

Unang Pagkikita -d 1st meeting Unang PagkikitaUnang Pagkikita -d 1st meeting by ~luha-ng-paraluman
Sa iyo'y nananabik
Ramdam ko'y pulos kaba
Ngayo'y muling babalik
Sa kanlungan ni ina


Manika -doll- ManikaManika -doll- by ~luha-ng-paraluman
Binibihisan, sinusuklayan
Sinasapatusan, inaayusan
Bawat ngiti ay kinaaaliwan ng iba
Bawat tingin ay nanlilimos ng awa
Pinasasayaw, pinakakanta
Pinaaarte, minamanipula
Bawat gabi'y isinusumpa
Bawat pagbukang liwayway ay lumuluha
Pinagpapasapasahan, pinaghihiramhiram
Pinagsasawaan, pinagsasamantalahan
Bawat kirot ay tinitiis
Bawat hinga'y naghihingalo
Ilalabas sa kahon
Paglalaruan
Itatago ulit sa kahon
Ito ang buhay ng isang manika


Bayani -hero- BayaniBayani -hero- by ~luha-ng-paraluman
Tila kahanga-hanga't kapuri-puri
Kuwento ng mga tao patungkol sa kanya
"Walang sinasanto, basta mali"
"Mabuting tao"
"Higit sa lahat, tapat"
Parang naglalarawan ng isang bayani
Ngayon, sa larawan ng lamang mamamasdan.
Bawat pindot sa makinilya'y
Nakikipagpatintero sa kapalaran
Walang kasiguruhan ang bukas
Kapalit ng bawat titik, kanyang buhay
Nang pagdating ko sa mundong ito
Siya naming iyong paglisan
Ganap na alas Diyes ng gabi
Tanging maririnig ang pag-iyak ng sanggol
Unang hakbang, unang salita
Unang araw sa paaralan, ang aking pagtatapos
Walang ama
Kung ipinagwalang bahala na lang
Kung namuhay na lang ng tahimik